Tuesday, 28 May 2013

I'm a fresh graduate, para ako'ng sisiw na kakalabas palang sa shell. Paghahanap agad ng trabaho ang inatupag ko pagkatapos na pagkatapos ko grumaduate.

Dakilang tambay din ako sa Computer, kaya dito ko naghahanap ng maapplyan bago ko lumarga sa kung saan..

So sa paghahanap ko ng trabaho, using GOOGLE as search engine then typing "Office Staff hiring 2013 in Quezon City" ... then napunta ko sa isa pang link
http://ph.incruit.com/OFFICE+STAFF+HIRING+2013+quezon+city-jobs ) jan ako namili ng maApplyan, then super UNFORTUNATELY napili ko yung EGL Company, ( http://www.jobs.cnctc.com.ph/job/office-jobs/2013-03-14/11953?action=search&6%5B%5D=all&13%5B%5D=all&offset=671 ). Walang forum tungkol jan, and late ko na nabsa yung isang blog tungkol sakanila, hindi naman pala kase talga EGL ang pangalan , it EVERGREEN.
Eto -

URGENT HIRING FOR OFFICE STAFF
 
We are a distributing company, as we expand our business, we need additional staffs for our new branch in Metro Manila.
 
·         The Office Staff person is responsible for supporting the General Manager in the running of the office.  In addition:
·         The Office Staff person must be willing to work a variety of shifts, including mornings, afternoons, evenings, weekdays, and special events.
 
·         As one of the EGLC staff, the Office Staff person should exemplify integrity and the key characteristics we expect of our employees:  Commitment, Respect, Responsibility and Cooperation.
 
WE NEED:
·         SECRETARY
·         CASHIER
·         IT SPECIALIST
·         RECEPTIONIST/FRONT DESK
·         HR STAFFS
·         ADMIN. STAFFS
·         ACCOUNTING STAFFS.
·         ENCODER
 
Qualifications
•    The Office Staff person must be at least 18 years of age and above.
•    Atleast high school graduate.
•    With or without job experience.
•    Willing to work in Metro Manila Philippines.
 
With basic salary + incentives + allowances!!
 
Kindly mail us your Name, contact #, location, together with your attached resume at eglco(at)rocketmail.com
 
Thank You! Goodluck Applicants!!

ITS FAKE !!!! NETWORKING PALA SILA, iKKWENTO KO YUNG NANGYARI SAMIN-


SADLY, nag-apply ako sinama ko pa yung dalawa kong bestfriend. Nung una hindi mo aakalaing SCAM sya, kase sa buong araw na pagpunta ko dun (i mean hanggang sa makauwi ako) wala akong narining na it was an NETWORKING, walang ibang magsasabi sayo kundi sarili mo lang.

Umpisa palang nung may sumundo samin sa labas palang ng LEMON SQUARE BUILDING, nagduda nako kase bakit naman may susundo pa??? and sa huli sana pinakinggan ku na yung "doubt" ko, pero hindi ee, push lang, nakakahiya din kase dun sa mga kaibigan ko, sayang pamasahe nila kung sakali.
Then, nung nasa loob na kame sobrang tahimik, bawal mag.usap pinapatay yung mga CELLPHONE, bawal din magEarphone.
Yun na nga, nung nag.umpisa na kame, hiningiaan agad kami ng picture, tapos pinag.Exam. Una I.Q ata yun o SITUATIONAL EXAM na may kasamang MATH sa bandang umpisa atsaka sa Last part it was 1-30 items. Pagkatapos ininterview na kame, kala mo totoo yung interview ee, dinerecho na kami sa Orientation room ata yun, parang pugon, sobrang inet. Pero naghintay kami, may babaeng pumasok, matabang maputi, mukang office girl talaga ang pormahan, kinuha nya yung mga CREDENTIALS namen, pero sabi nya ibabalik din daw samin yun MAMAYA lang.

Then, may pumasok na LALAKE/BAKLA/GAY he is SIR NEIL/NIEL, (yun kase pagkakadinig ko). In-Orient nya kami na para kaming mga tanga, UPO! TAYO!! GOODMORNING!!! ANO!!?? ULET !!!?? ganyan ! puro sigaw, tayo-upo kami na para kaming mga laruan, sobrang inet pa dun, eto pa masaklap, wagas kung manglait yung baklang yun. Tapos di pa man pala naguumpisa meron syang lalakeng pinaalis, pinunit nya yung resume nung lalakeng pinaalis nya sa harap namen, hindi ko alam kung kasabwat nya yun, para sampolan kami at matakot sakanya. Oonga pala, pinagyayabangan nya kami nung una sa METROBANK GOLD CARD nya, pati kulay nya niyayabang nya, maputi kase sya, may Kotse daw sya kaya hindi sya naiinitan papunta dun at iba daw kase yung pwesto ng opisina nila, HR Department lang daw yung nasa Lemons Squiare Building na yun. Sinabi nya din na Graduate sya sa LETRAN as Psychology student. (Parang hindi naman, sa asta nya mukha syang Psycho. sya ata yung nangangailangan ng Psychologist.) Pinaliwanag nya yung SALARY na talaga namang nakakahumaling para saming mga FRESH GRAD, pati UNDERGRAD pati UNDERAGE at OVERAGE na nag.Apply. inInsist din nya yung mga WEAKNESSES naming mga applicant nung araw na yun, pati skelahan na pinanggalingan namen (gustong gusto ko syang sapakin nung mga oras na yun).
Kung anu anung pandadaot ang natamasa ko sakanya pero push lang, teritoryo nya kase yun ee baka kung ano pang gawin sakin.

AYUN, pagkatapos nya kami pagudin kakaupo't tayo, pumasok na yung BABAENG maputi, graduatre daw sya ng FEU as Nursing student "daw". Diniscuss nya yung PRODUCT "daw" ng Company nila, na dapat daw alam namin yun kahit office staff kami. Pagkatapos nya, pumasok ulit yung naunang magpakita samin na matabang babae na muka talagang office staff naka-Amerikana kase, dating reporter daw yun sa Channel 13, pinaliwanag nya din yung tungkol sa sahod na talagang nakakaakit.
Tapos bumailik nanaman yung Sir NEIL/NIEL para idiscuss yung pagbebenta ng PRODUCT BAGO MAGING STAFF, tawag nila dun EXAM at FINAL EXAM.

Kapag pumayag ka, pasasamahan ka nya sa dalawang staff nya sa bahay nyo para magbenta ng product nila, (anak ng pui^&$%^#$   dun nako nainis, sabi ko sa isip ko na nasa isip nadin ng mga bestfriend ko, CONFIRMED!! NETWORKING NGA!!!)

Tinawag nya by 3 yung mga aplikante, huli kami ng tatlo kong kaibigan, kiNoNGRATULATE nya kami, nakipagshake hands sa isa kong bespren, sabi nya "alam mo na ang gagawin mo huh!?" tumango yung kaibigan ko tapos tinawag nya yung dalawa nyang staff tapos tinangay na yung kaibigan ko. Nung ako na, sabi nya, "Congratulations! Alam mo na gagawin mo?!" tapos sumagot ako "hindi ko po talaga maibebenta yan sa mama ko" tapos bigla syang nagalit kinuha yung RESUME ko tapos pinunit nya sabay sabing "Nakakainis ka! (may kasamang pagdadabog)" naSHOCK ako na nainis sa pagpunit nya ng Resume ko, tapos yung isa kong kasama tinanung nya din kung ALAM NA NYA GAGAWIN NYA siguro natakot yun kaya tumango nadin sya tapos pinasamahan dun sa mga staff nya. Pagka-Alis na pagkaAlis nung mga kaibigan ko ( ako nalang natitra) sinabihan nya ko ng mga salitang talagang nakakasingkit lalo ng mata ko , sabi nya;
"NAKAKAINIS KA !!!"
"NAPAKA-ARTE MO!, KALA MO ANG-GANDA MO!!!?"
nasa kapaligira ko nun yung ibang mga staff na talaga namang ang sama ng tingin, yung feeling na biglang napakataray ng ambiance.

tapos sabi nya, kunin mo na mga credentials mo!!!, kinausap ako nung babaeng nagpaliwanag ng product na NURSING GRADUATE DAW NG FEU, ang taray ng pagkakasabi nya saken "ANU BANG INAAPPLYAN MO!??
sabi ko "OFFICE STAFF PO" sabi nya "WALA KAPANAMANG EXPIRIENCE AA!!!?" pataray nyang sinabi yun, tapos biglang sumabat yung baklang NEIL ULET sabi nya "KALA MO ANG GANDA EE!!!
SABUNUTAN KITA JAN !!! pagkasabi nya nun tinignan kuna sya ng masama, tapos sabi nya pasigaw, UMUPO KA NGA PAGKINAKAUSAP KA !!! tapos, mejo napasagot nako ng pabalang, pero napigil ko padin naman yung sarili ko sabi ko "HINDI PANAMAN NYA KO PINAPAUPO AA !!" ayun, tapos galit na lahat saken, binigyan ako ni MS.FEU ng index card isulat ko daw yung credentials ko na pinasa, tapos pinalabas ako, GRABE !! PINALABAS TALAGA KO!

Nakita ko sa labas yung mga nagback out din katulad ko, naiinis din yung babae, sabi nya, "Grabe naman!, ganyan sila pagHindi pumayag" ang bitter!!!"
tapos sabi ko ou nga ee, tapos tungo-tungo nalang ako. (pabulong yung mga usapan namin).

Napansin ng mga staff nila na nagbuubulungan kame, binigay agad nila yung credentials nung kumakausap saken tapos inihatid hanggang sakayan ata yun.

OO INIHAHATID TALAGA NILA, PARA SIGURO WALANG PAGUUSAP, MADAMI PA KASENG MGA BAGONG DATING NA NAGAAPPLY, TAPOS ANG CLASSIC NETO, ONE AT A TIME KUNG MAGBALIK NG CREDENTIALS, KAPAG BUMALIK NA YUNG NAGHATID SAKA LANG NILA IBIBIGAY YUNG CREDENTIALS NUNG MGA SUMUNOD PA,

ETO PA ANG CLASSIC, YUNG MGA STAFF PALA NA SUMAMA SA MGA KAIBIGAN KO HANGGANG SA BAHAY NILA PARA MAGHATID/ MAGBENTA NG PRODUCT, KARGO PALA NG MGA KAIBIGAN KO YUNG PAMASAHE, PAPUNTA PABALIK, KELANGAN TALGA NILA BUMALIK KASE NASA LEMON SQUARE BLDG PA YUNG CREDENTIALS NILA!!.

Parang mga sindikato lang ee.
Ayun, nalusutan naman ng mga kebigan ko, hindi nila pinabili yung product kaso lang, napagastos sila.

INGAT INGAT NALANG MGA KAIBIGAN.