Tuesday 28 May 2013

I'm a fresh graduate, para ako'ng sisiw na kakalabas palang sa shell. Paghahanap agad ng trabaho ang inatupag ko pagkatapos na pagkatapos ko grumaduate.

Dakilang tambay din ako sa Computer, kaya dito ko naghahanap ng maapplyan bago ko lumarga sa kung saan..

So sa paghahanap ko ng trabaho, using GOOGLE as search engine then typing "Office Staff hiring 2013 in Quezon City" ... then napunta ko sa isa pang link
http://ph.incruit.com/OFFICE+STAFF+HIRING+2013+quezon+city-jobs ) jan ako namili ng maApplyan, then super UNFORTUNATELY napili ko yung EGL Company, ( http://www.jobs.cnctc.com.ph/job/office-jobs/2013-03-14/11953?action=search&6%5B%5D=all&13%5B%5D=all&offset=671 ). Walang forum tungkol jan, and late ko na nabsa yung isang blog tungkol sakanila, hindi naman pala kase talga EGL ang pangalan , it EVERGREEN.
Eto -

URGENT HIRING FOR OFFICE STAFF
 
We are a distributing company, as we expand our business, we need additional staffs for our new branch in Metro Manila.
 
·         The Office Staff person is responsible for supporting the General Manager in the running of the office.  In addition:
·         The Office Staff person must be willing to work a variety of shifts, including mornings, afternoons, evenings, weekdays, and special events.
 
·         As one of the EGLC staff, the Office Staff person should exemplify integrity and the key characteristics we expect of our employees:  Commitment, Respect, Responsibility and Cooperation.
 
WE NEED:
·         SECRETARY
·         CASHIER
·         IT SPECIALIST
·         RECEPTIONIST/FRONT DESK
·         HR STAFFS
·         ADMIN. STAFFS
·         ACCOUNTING STAFFS.
·         ENCODER
 
Qualifications
•    The Office Staff person must be at least 18 years of age and above.
•    Atleast high school graduate.
•    With or without job experience.
•    Willing to work in Metro Manila Philippines.
 
With basic salary + incentives + allowances!!
 
Kindly mail us your Name, contact #, location, together with your attached resume at eglco(at)rocketmail.com
 
Thank You! Goodluck Applicants!!

ITS FAKE !!!! NETWORKING PALA SILA, iKKWENTO KO YUNG NANGYARI SAMIN-


SADLY, nag-apply ako sinama ko pa yung dalawa kong bestfriend. Nung una hindi mo aakalaing SCAM sya, kase sa buong araw na pagpunta ko dun (i mean hanggang sa makauwi ako) wala akong narining na it was an NETWORKING, walang ibang magsasabi sayo kundi sarili mo lang.

Umpisa palang nung may sumundo samin sa labas palang ng LEMON SQUARE BUILDING, nagduda nako kase bakit naman may susundo pa??? and sa huli sana pinakinggan ku na yung "doubt" ko, pero hindi ee, push lang, nakakahiya din kase dun sa mga kaibigan ko, sayang pamasahe nila kung sakali.
Then, nung nasa loob na kame sobrang tahimik, bawal mag.usap pinapatay yung mga CELLPHONE, bawal din magEarphone.
Yun na nga, nung nag.umpisa na kame, hiningiaan agad kami ng picture, tapos pinag.Exam. Una I.Q ata yun o SITUATIONAL EXAM na may kasamang MATH sa bandang umpisa atsaka sa Last part it was 1-30 items. Pagkatapos ininterview na kame, kala mo totoo yung interview ee, dinerecho na kami sa Orientation room ata yun, parang pugon, sobrang inet. Pero naghintay kami, may babaeng pumasok, matabang maputi, mukang office girl talaga ang pormahan, kinuha nya yung mga CREDENTIALS namen, pero sabi nya ibabalik din daw samin yun MAMAYA lang.

Then, may pumasok na LALAKE/BAKLA/GAY he is SIR NEIL/NIEL, (yun kase pagkakadinig ko). In-Orient nya kami na para kaming mga tanga, UPO! TAYO!! GOODMORNING!!! ANO!!?? ULET !!!?? ganyan ! puro sigaw, tayo-upo kami na para kaming mga laruan, sobrang inet pa dun, eto pa masaklap, wagas kung manglait yung baklang yun. Tapos di pa man pala naguumpisa meron syang lalakeng pinaalis, pinunit nya yung resume nung lalakeng pinaalis nya sa harap namen, hindi ko alam kung kasabwat nya yun, para sampolan kami at matakot sakanya. Oonga pala, pinagyayabangan nya kami nung una sa METROBANK GOLD CARD nya, pati kulay nya niyayabang nya, maputi kase sya, may Kotse daw sya kaya hindi sya naiinitan papunta dun at iba daw kase yung pwesto ng opisina nila, HR Department lang daw yung nasa Lemons Squiare Building na yun. Sinabi nya din na Graduate sya sa LETRAN as Psychology student. (Parang hindi naman, sa asta nya mukha syang Psycho. sya ata yung nangangailangan ng Psychologist.) Pinaliwanag nya yung SALARY na talaga namang nakakahumaling para saming mga FRESH GRAD, pati UNDERGRAD pati UNDERAGE at OVERAGE na nag.Apply. inInsist din nya yung mga WEAKNESSES naming mga applicant nung araw na yun, pati skelahan na pinanggalingan namen (gustong gusto ko syang sapakin nung mga oras na yun).
Kung anu anung pandadaot ang natamasa ko sakanya pero push lang, teritoryo nya kase yun ee baka kung ano pang gawin sakin.

AYUN, pagkatapos nya kami pagudin kakaupo't tayo, pumasok na yung BABAENG maputi, graduatre daw sya ng FEU as Nursing student "daw". Diniscuss nya yung PRODUCT "daw" ng Company nila, na dapat daw alam namin yun kahit office staff kami. Pagkatapos nya, pumasok ulit yung naunang magpakita samin na matabang babae na muka talagang office staff naka-Amerikana kase, dating reporter daw yun sa Channel 13, pinaliwanag nya din yung tungkol sa sahod na talagang nakakaakit.
Tapos bumailik nanaman yung Sir NEIL/NIEL para idiscuss yung pagbebenta ng PRODUCT BAGO MAGING STAFF, tawag nila dun EXAM at FINAL EXAM.

Kapag pumayag ka, pasasamahan ka nya sa dalawang staff nya sa bahay nyo para magbenta ng product nila, (anak ng pui^&$%^#$   dun nako nainis, sabi ko sa isip ko na nasa isip nadin ng mga bestfriend ko, CONFIRMED!! NETWORKING NGA!!!)

Tinawag nya by 3 yung mga aplikante, huli kami ng tatlo kong kaibigan, kiNoNGRATULATE nya kami, nakipagshake hands sa isa kong bespren, sabi nya "alam mo na ang gagawin mo huh!?" tumango yung kaibigan ko tapos tinawag nya yung dalawa nyang staff tapos tinangay na yung kaibigan ko. Nung ako na, sabi nya, "Congratulations! Alam mo na gagawin mo?!" tapos sumagot ako "hindi ko po talaga maibebenta yan sa mama ko" tapos bigla syang nagalit kinuha yung RESUME ko tapos pinunit nya sabay sabing "Nakakainis ka! (may kasamang pagdadabog)" naSHOCK ako na nainis sa pagpunit nya ng Resume ko, tapos yung isa kong kasama tinanung nya din kung ALAM NA NYA GAGAWIN NYA siguro natakot yun kaya tumango nadin sya tapos pinasamahan dun sa mga staff nya. Pagka-Alis na pagkaAlis nung mga kaibigan ko ( ako nalang natitra) sinabihan nya ko ng mga salitang talagang nakakasingkit lalo ng mata ko , sabi nya;
"NAKAKAINIS KA !!!"
"NAPAKA-ARTE MO!, KALA MO ANG-GANDA MO!!!?"
nasa kapaligira ko nun yung ibang mga staff na talaga namang ang sama ng tingin, yung feeling na biglang napakataray ng ambiance.

tapos sabi nya, kunin mo na mga credentials mo!!!, kinausap ako nung babaeng nagpaliwanag ng product na NURSING GRADUATE DAW NG FEU, ang taray ng pagkakasabi nya saken "ANU BANG INAAPPLYAN MO!??
sabi ko "OFFICE STAFF PO" sabi nya "WALA KAPANAMANG EXPIRIENCE AA!!!?" pataray nyang sinabi yun, tapos biglang sumabat yung baklang NEIL ULET sabi nya "KALA MO ANG GANDA EE!!!
SABUNUTAN KITA JAN !!! pagkasabi nya nun tinignan kuna sya ng masama, tapos sabi nya pasigaw, UMUPO KA NGA PAGKINAKAUSAP KA !!! tapos, mejo napasagot nako ng pabalang, pero napigil ko padin naman yung sarili ko sabi ko "HINDI PANAMAN NYA KO PINAPAUPO AA !!" ayun, tapos galit na lahat saken, binigyan ako ni MS.FEU ng index card isulat ko daw yung credentials ko na pinasa, tapos pinalabas ako, GRABE !! PINALABAS TALAGA KO!

Nakita ko sa labas yung mga nagback out din katulad ko, naiinis din yung babae, sabi nya, "Grabe naman!, ganyan sila pagHindi pumayag" ang bitter!!!"
tapos sabi ko ou nga ee, tapos tungo-tungo nalang ako. (pabulong yung mga usapan namin).

Napansin ng mga staff nila na nagbuubulungan kame, binigay agad nila yung credentials nung kumakausap saken tapos inihatid hanggang sakayan ata yun.

OO INIHAHATID TALAGA NILA, PARA SIGURO WALANG PAGUUSAP, MADAMI PA KASENG MGA BAGONG DATING NA NAGAAPPLY, TAPOS ANG CLASSIC NETO, ONE AT A TIME KUNG MAGBALIK NG CREDENTIALS, KAPAG BUMALIK NA YUNG NAGHATID SAKA LANG NILA IBIBIGAY YUNG CREDENTIALS NUNG MGA SUMUNOD PA,

ETO PA ANG CLASSIC, YUNG MGA STAFF PALA NA SUMAMA SA MGA KAIBIGAN KO HANGGANG SA BAHAY NILA PARA MAGHATID/ MAGBENTA NG PRODUCT, KARGO PALA NG MGA KAIBIGAN KO YUNG PAMASAHE, PAPUNTA PABALIK, KELANGAN TALGA NILA BUMALIK KASE NASA LEMON SQUARE BLDG PA YUNG CREDENTIALS NILA!!.

Parang mga sindikato lang ee.
Ayun, nalusutan naman ng mga kebigan ko, hindi nila pinabili yung product kaso lang, napagastos sila.

INGAT INGAT NALANG MGA KAIBIGAN.



55 comments:

  1. thank you for the info...

    ReplyDelete
    Replies
    1. tnx for d info.. actually tnxt nah dn ako ng egl..
      buti nah lng ndi koh pinatulan..
      buti nbasa koh toh..
      kung ndi bka isa ako sah mga nbktma..
      tnx :)

      Delete
  2. Thank you very much for the info! Nag aapply din ako sa mga companies na nasa Quezon City, tapos isa sa mga nagreply yung EGL na to. Nagtext sila today taapos schedule for interview daw tomorrow kaso may isa nang kompanyang nagsched sakin for interview so di pa muna ako nagreply. Tapos nagtext siya na ieexpect daw nya ako, priority daw nya ako na interviewee for tomorrow. wag daw ako malelate. in filipino pa. pero nagreply parin ako in professional way na baka pwede iresched nalang since may appointment na ako bukas. tapos nagreply siya ng "ok..salamat.." then di na ako nagreply. Tapos nagtext nanaman siya, may contract signing na this time and way kung paano pumunta dun sa building. Me and my boyfriend find it suspicious, sabi ng boyfriend ko wag na daw ako pumunta, scam daw yun. Sabagay napaka unprofessional talaga. Then nagsearch ako tapos nakita ko tong blog. Thank you so much for sharing!! Malaking tulong to :)

    ReplyDelete
  3. tama ganyan din nangyari sakin hanggang naun nangungulit

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag mu nang patulan yan, makakahanap din tayo ng totoong trabaho, makakarma din yang mga manloloko na yan.

      Delete
  4. Hi ganyan din exactly yung naexperience ko. Super nakakapaniwala sa umpisa dahil sa uniform ng mga tao, tapos may pinunit din na resume sa harap namin at yung credit card at car nga din ay namention. Grabe talaga namamahiya pa yung Neil. Pinabalik pa niya kami kinabukasan pero kalahati na lang kami kasi baka natuklasan na nung kalahati ung totoo ang sabi ba naman inappoint daw sila para bukas kaya wala ngayon. At nakakapagtaka din bawal kumausap ng katabi at hinahatid pa kami isaisa sa baba (yun nga pra di makapagusap). Tapos yung staff pinasama pa sa bahay at sagot ko pa pamasahe pero nafigure out namin via google na networking nga thru this blog. Dapat sakanila ireport kawawa naman yung mga nabibiktima wala na ngang mga trabaho pati yung matatanda.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka jan! saka wala silang karapatan mamunit/ mamahiya ng applicante, meron kaseng mga taong madaling maFrustrate. Baka maTrauma, hindi na mag-apply, lalo na sa mga katulad kong fresh Grad.

      Delete
  5. buti nabasa q agad 2! interview q pa nman bukas!! azteg ung mga txt nila! kpani-paniwala prang gs2 q na pmnta sa sobrang excited q.. prioritze dw aq! un pla prioritize nila pera! woooooh! wat a layp!!! hahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako! tama ka jan! buti nagSearch ka muna! tsk tsk sana wala na silang mabiktima ulet.

      Delete
  6. thank u sir sa blog na 2.. post ka uli ng mga gni2ng blog kpag naloko ka ulit! hehehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wahahhaha xD ma'am po ako, pero okay lang..

      Osige pag naloko ulit ako gawa ulit ako blog XD

      Delete
  7. thank you so much.sobrang nakatulong! pupunta rin sana kami ng best friend ko. Kudos to the owner of this post!

    ReplyDelete
  8. thank you for sharing this.. buti na lang nakita ko to agad kundi punta sana aq tom.. buti na lang ng search muna ako about that company then i saw this!! My God sa may manila bulletin q pa xa nkita.. then ganito pla!! buti na lang talaga.. tnx

    ReplyDelete
    Replies
    1. see? Manila Bulletin yet? They actually force AA, tsk ... Anyway welcome :)

      Delete
  9. biktima din kami ng scam na company na yan..ganyan din nangyari sa amin hanggang sa natuklasan namin na scam tapos ng decide kami na lumapit sa media at sa DOLE,BPLO QC pero hindi napatigil ang operation ng l*tseng EVERGREENLEAF ENT na yan..ang masama pa kami ang kinasuhan ng LIBEL,GRAVE COERCION,SLANDER dahil sa pagpunta namin dun kasama ang media..nakatatlong hearing kami na hindi nman sumipot sila Elise Santos (secretary daw/nursing grad ng FEU na pakilala nya) at c Aileen Perez(Manager/Owner daw?) as Complainants..pero thank God na dismiss ung kaso,sa tulong na din media na sa simula dyan na para tulungang kami..thanks to "YOUR PUBLIC SERVICE CHANNEL",sa ngayon ay ginagawa kami na move para matigil yung panloloko nila..kung sino gusto na sumama sa amin kindly txt these numbers..09163594558/09184358182..btw sa EVERGREEN lng din kami nagkakilala lahat pero ngayon kampante sa isat isa at naging magkaibigan na..(ang tanging magandang nangyari nlang sa amin ay yung FRIENDSHIP na nabuo after scam).

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow, umabot na pala to sa ganyan,
      sana mapuksa na sila . chos XD

      salamat po sa pagdaan dito, hindi man ako makatulong ngayon sainyo sana, may mga makasama pa kayong mga bagong tao na makakataulong para matigil na yung mga ganitong panloloko sa bansa naten.

      Delete
  10. ayyy grabe naman talaga...buti na lang nakita ko itong blog na ito, thank you for sharing dapat bukas din ang interview ko, nagtaka naman kasi ko dami nilang branch na bubuksan "yaman naman" ng EGL Enterprise na yan haha! kaya nag-check muna ko, ayun kaya naman pala rocketmail@yahoo.com haha! "rocket" pala kasi hayyzz, sana wala na silang mabiktima, pambihira ang hirap na nga ng life dami pang taong manloloko at nakakapag-rent pa sila ng pwesto sa building, para lang makapanloko ng tao hayzz... ASTIG...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ou nga ee, sana di na nila magawa pa sa iba, Salamat po sa pagKomento dito, sana mapipamahagi pa to sa iba para wala ng magaya pa saten.

      Delete
  11. Hey, thank you sa blog mo :)
    It helps a lot XD

    ReplyDelete
  12. Ms. My Hand, bakit ndi nlng ireport to sa kinauukulan para ma-stop na yung mga ganitong panloloko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nabasa mo ba yung nasa taas na comment?? nagtry na sila magreport, umabot na sa korte pero walang nangyare..

      Kakagraduate ko palang, kung kakasuhan ko sila san ko kukunin yung pera?

      Sa tingin ko eto lang ang maitutulong ko sa ngayon, pero malay mo balang araw, hehehe :))

      Anyway, salamat sa pagbasa at pagComment, makakatulong ka din kung maipapamalita mo to sa iba, para hindi sila mauwi sa nangyari samin. :))
      Godbless

      Delete
  13. THANK YOU PO .. ngtxt den cla sakin intervw q daw bukas, sa manila bultin q den xa nkita.. kya pla tx ng tx SCAM pala.. thank u po ulit.

    ReplyDelete
  14. thank you for the info :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're welcome :) thnk u for posting comment aswell, hope you'll send it to others so we could help them to be not in this case

      Delete
  15. FAKE tlga egl grabe victim dn aq nyan june 4 yun.hindi makalimutan. Until now nag ooperate pa dn cla.

    ReplyDelete
    Replies
    1. malaki laki ata benta nila kaya nakakapagPatuloy sila ng ganun ganun ee , nakakapag post pa nga sa manila buletin, hmmp

      Delete
  16. Kwento ko nangyari sa akin.yun nga ng apply nbasa ko ads. Nila eh takenote it's BULGAR tapos yun nagreply naman sakin in tgalog nga tapos ang sipag talaga mgreply. Tapoz ng remind pa nung morning.. Xempre naman ako want ko talaga mgkawork isa pa kc my ank na ko...ned ko talaga work db?Ang aga ko pa umalis ng bhay excited ehh... Nga pala fresh grad ako.eh d dun na kmi opis start na tingin ng confirmationsa phone f my txt nga oh dba parang totoo sabay pinapatay. Bgo kmi mg exam check p nila ulit if nkaof nga phone. Dn anfg init dun grabee.. Wla pa table my isa applicant tumayo talaga xa ngrekmo xa ang init tapos pinaupo xa dun sa my table.. Tpoz na exam initial interview na afer nun pinapasok naman kmi sa isang rom.. Pinagawa naman kmi na TALAMBUHY namin.. Den pumasok nga ung niel... Ganun dn ngyari nbangit kuly skin nyn, ung car mya, scul nya.. Yun pla lgi snasabi na scripted hehehe un pinagawa samin tayu..Upo grabe tagaktak nga pawis ko eh..ang init dun tapos ung guy na naupo sa table knina nung exam. Eh napansin nya my ginwa ata ma hindi nagustuhan ... Pinhiya nya sabi ikw ung knina unang natapos sa exam ang baba ng nkuha mo 6 / 25 nga dw.. Graduate dn ata ung guy ng letran.. Sabi ng guy ang init po kc dun sir hindi ako makapg concentrate.. Sabi ng niel bkit gusto mo aircon. Bkit sa inyo aircon ba? Sabi nung guy hindi naman po sir kso sobrang init naman po dun.pinalabas xa..nung niel isa my guy pinunit ung resume wala dw kc dala khit isang credential.. Sabi b naman ndi k kailangan dito pwede ka nanf lumabas.. Kung ano nangyari sa inyo ganun dn ngangyari.. Ung sahod, ung allowance.. My 2 pang 19 nd 18 yr old ang babata nyo pa.. Bsta dmi nya sinabi.. Naawa nga ako dun kc matagal nkatayo.. Mga bandang 12 pinalabas aq sabi ndi ibig sabihin ndi kna tanggap ikw b gusto mo trabaho.. Xempre kya nga aq ng apply dba. Sagot ko xempre yes... Tapos my tinawag... Ganun ulit snabi mga sahod allownce. Final exam dw namin mgbenta nga. Naiisip ko lukuhan un pero ewan ko ba my ron side na gusto ko naisip ko baka na hepnotized ako... Naibenta ko sa husband ko nagwithdraw pa un sa sm sumama pa sa amin un na staff . Hay umutang pa ako sa father in law q pandagdag pinakamura pang item 3298 pagdating dun ... Guzto ko tawagan asawa ko nun tanong nga kung itutuloy ko pa kc nga ngdadalawang isip na talaga ako hayy ewanko ba kung bkit nawala cgnal ng cellphone ko. Ang malas ko talaga nung araw na un my ngsasabi na sa utak ko na parang lukohan nga tinuloy ko pa rn. Kc sa kagustohan ko talag ng mgkawork.. Dn ung snsabi nila na contract is contract na ndi na marerefund ung pera.. Hay kinabukasan un orientation mga 13 dn kming naluko..0r 15 un mgkano rn un dba kuna ung lowest price is 3298 bnayayad ko nga 3300 ndi pa ako sinuklian.kwento orientation sahod allowance contract signing.. Ung mga medical dw.mayors permit... Compute compute...umabot ng 2000un..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayun umabot nga 2000 then we talked about working permit..sabi nya kung cla dw maproprocess is 700 samantalang kung kami magastos pa dw. Tapos wg nadw kmi kumuha ng iba png mga requirements ung 700 na lng dw...dun ndi na tlaga aq umimik alam qna confirm..that time pla ksama q husband q.hintay nya aq tagal nya nghintay.. Tapoz sabi
      the other day iibibigay dw agad 700 may 2 girl ktabi ngkatinginan clang 2 and blis ng mata ng
      ng oorient samin.. Nkita sabi mgkaibigan b
      kayo sagot ng 2 hindi poh knina lng kmi


      ngkausap sabi nila.sabi ng chubby girl bt
      ngtinginan kau? Sagot nung isa wala na po kc aqng pera.. Sabi ng chubby na ng oorient mya na kau mgkwentuhan. Sa

      Delete
  17. Sya nga pla bgo mgstart orientation off at kinuha ung phone sa amin.nxt meeting dw procedural training iba pa ing 10 days training... Uwian na hinatid naman haggang labas..habang pauwi kmi ng husband q ndi na aq umiimik sa sasakyan ksi alam q naluko na a ndi na aq nkuwento kc ngdridrive xa. Alam q na ehh pera nanam kailangan nila. Sa bhay na aq gakwento sa kanya ndi pa naibigay binili namin the other wek naman..dw iibibigay.. Nga pla sa orientation nbanggit nya sa amin na my kinasuhan dw cla pero anf sabi nakulong dw.. Kc ndi rw pumupunta sa hiring..cguro pankut sa amin un.. Kc nga gusto i refund ung pera.ngdala dw ng pulis dun.. Un nga kinsihan dw nila ng libel..kc nga dw cniraaan clan na scam dw at mudos.. Etc..bumulik ulit kmi ng husband q dun pta kunin stand fan kc sabi q ayaw ko na mgdahilan na lng aq .. Gusto ng asawa q isama namin ung pulis na pinsan nya pra dw mkuha namin pera.. Eh natakot dn naman aq dun sa ipinakulong nga nla ..kinuha na lng namin ung stand fan .. Dumating kmi dun ng asawa q 1 nghintay kmi haggang 3 tapos ang liit pla ng stand fan. Npasigaw nga ako sabi. Bkit ang liit.. ?sabi ng bakla bkit ano gusto mo malaki gusto mo c manung ibigay ko sa u pranf pabastos pa pasalamt xa wala asawa ko bka nsapok xa ngkataon nasa parking asawa ko tinawag kc ng guard nakaharang kc sasakyan namin nun kc akala namin mabilis lng kmi.hay.. Ako ng baba sa parking na stand fan lalaki pa nghatid sakin sa baba hindi manlang binuhat stand fan grabe ... Asar na asar talaga aq nun.. Ndi man lng binuhat .grabe kung nga lng masama magmura ng mura na aq nun... Dapat matigil na yan na yan ..kawawa naman ung mga natira nun...ano na kya ngyari sa knila..

    ReplyDelete
    Replies
    1. HALA GRABE ! Sobrang pamera pala sila talaga, Kimmy! Thank you for sharing what happend to you, atleast kung may magsearch matutulungan natin sila na WAG NA TUMULOY ! sobrang sama talga,

      Alam mo kung sakaling magttrabaho ka sakanila, magiging trabaho mo, yung katulad nung sumama hanggang sa bahay nyo,

      Anyway, ipagpasadyos nalang natin sila, hindi din magtatagal yung mga ganyang, makakahanap din sila ng katapat nila.

      At yung mga nagastos mo, hayaan mu nalang, pera lang yan, atlist walang nangyaring masama sayo.

      Salamat ulet for sharing, hope everyone could read this. Para wala ng maloko pa.

      Delete
  18. whew,... muntik nrin ako interview dpat ng mga friends ko yesterday ang kaso the day before nbasa ko to gosh.. muntik na kmi... nkinita ko tloy kng ano mngyayri samin... cguro just like how Ms. My Hands experience my 2 friends dn kc akong niyaya ka2hiya 2loy but then narealize ko mas ok na to d pa nman ako desperada to have a job.. tska kya nga ngha2nap ng work kc wlang pera taz ung applicant pa hi2ngan nila.. hay thank you so much sa info. we really appreciate it so much...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Your welcome !
      Nako buti di ka natuloy, ang jahe talaga sa mga kebigan na isasama mo
      kung sakali tas ganito mangyayare,
      Spread this nalang para wala ng magaya pa samen

      Delete
  19. Ms. My hands.., o2 nga naicp q rn un na bka ganun mging trbaho q.. Grabe ndi kya ng konsensysa qoh yun.. Sobra talaga slang mamera.' yun n nga sobrang ng alala husband q nun pti mother and father and sister in law qoh. Kc nga ndi nla aq ma contact...grabe sana wala na silang maluko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako sana nga wala na talaga silang maloko!
      Pinapapatay din yung mga phone namin nun, tapos yung mga
      kaibigan ko na sinamahan nila hanggang sa bahay, bantay na bantay nila yung phone,
      kapag may magtetext nga ee kulang nalang kunin nila, tas sila na magbasa't magreply

      Delete
  20. Ms.kimmydora same tau ng nangyari kasama q din bestfriend ko nun kung anu nangyari sa inyo ni ms.myhands ganung ganun din samin ung baklang un taga samin pa nung nalaman nya sa staff na taga dun aq sa malapit sa tinitirhan nya ask nya q sabi nya "taga san ka?sabi ko naman taga mendez po then sabi nya "huh bat di mo agad sinabi sana di na kita nihire tpos sabay joke "tapos nung naghihintay na q dun pagtapos ko magcontrct signing may sinasabi xa kay maam lis na "gegetchingin ko to tas nakahawak xa sakin" ee nasa isip ko na nun na parang may iba na tlga kasi bakit aq kukuhanin siguro para di ako makapagsalita about dun tapos ung kaibigan pa nung bakla na taga samin naman pero di ko close nakikita ko lang ask nya kung kilala ko dw ung adan sabi ko opo then sabi nya pag nagkita kau wag mo na lang kausapi huh warfreak kasi un ee ..ee ni hindi ko nga kaclose at kakilala ung adan taga likod lang ng bahay namin..mga 2weeks din siguro bago namin nakuha ung product namin nun makita q lang talga ung baklang neil na un dito susundan ko un para malamam kung san mismo saktong bahay nun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wahaha xD nako ! sige ateng ! kung kapit bahay ko yan baka ganyan din gawin ko !
      Pero daanin padin natin sa tamang proseso ang mga bagay bagay, baka tayo pa ang mapasama.
      Ingat nalang tayo sa susunod.

      Teka ! hahha xD alamin mo kung talagang sa magandang school sya nag-aral... di talaga ko naconvince nun ee,
      feeling ko kase nagpapaya soap lang sya kaya sya maputi ee xD

      Delete
  21. OMG buti nlng nbsa q ito..nkita q din ads nila sa bulgar isang beses lng aq nag txt tpos my nagrply sunod sunod mejo nag duda aq kc txt skin na interview q n agad bukas at prioritize dw aq asahan dw..kaya nag duda n aq at sunod sunod pa ang txt which is not normal aman ..kc aq ang naghhnp ng work kaya dpt isang reply lng is enough pra sa isang tanong..hai buti nlng at nkita q itong blog pupunta p aman aq sna bukas..tnx

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're welcome !:) Marami pang trabaho jan, hanap hanap nalang tayo, at doble ingat nalang din !

      Delete
  22. close na yang egl na yan.. na t3 last aug 9... tingnan nyo dto..www.pilipinoreplay.com...lilipat na nman yan ng ibang lungga..mga manloloko yn..soon, makukulong din sila! god is good.. di sila makakalusot!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. talaga !? NAKO ! SALAMAT NAMAN KUNG GANON !! at tama ka ! Ipag pasaDyos at isabatas nalang ang lahat,

      Delete
  23. I am one the victim of that shit modus. We're the one who made them close. We set a group to end their operations! Sobrang nakakainis talaga sila. One of our trainees reported this issue to T3reload of T5. Thanks God naaksiyonan naman.. Last August 7 Wednesday.. sumugod yung T3 with d city hall staff sa egl office sa Lemon Square para ipasara ang operation nila.Marami silang nilabag na violations...walang fire distinguisher..walang permit location..walang occupational permit yung mga employees nla..Boom!..higit sa lahat..yung business permit nila retailer lng ibig sabhin hindi sila pwede maghire..Kapal ng mukha nila! Dami nilang niloko! Ayaw nila ipaalam ang pangalan ng mayari kasi sila2 lng din ang mayari dyan! Nagiba pa sila ng mga pangalan...FYi!!! alam namin mga totoong pangalan niyo..kaya kahit san kau magtago! mahahanap nmin kayo! Kung kaya niyo suhulan ang pulis ng Masambong..Ngek2 nyo foul yan! Dagdag kaso yan sanyo! Lahat ng mga ginagawa niyong panloloko babalik yan sa inyo!!! Marami kayong naloko puwes bubuo kami ng pwersa laban sanyo!!! Pati mga pera namin kukunin nmin! No one aboves the law! May araw din kayo! Di kau natatakot sa T3?! Monday yung utos na ipasara..Saturday pa lng naghakot na kayo! OPERATION HAKOT DAHIL TAKOT!!!ahahaha...Well sa mga nabiktima din dyan pls cooperate... reply kau dito..!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa grupong na buo nyo! Thanks God at naparusahan din sila, sana lahat ng naloko nila makabawi sakanila, kung hindi man, sana marealize nila na sobrang hirap ng buhay ngayon sana wag na silang mangloko pa,

      Delete
  24. Enge nmn po ng link para sa action ng t3 gusto ko po mapanood eh muntik nrin kasi akong mabiktima ng EGL eg plz share your link

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko din mahanap ee ! Pasensya na aa ! </3

      Delete
  25. totoo bang close n ung EGL?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko po alam, di na kase ko bumalik dun.

      Delete
  26. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  27. what a relief kung totoo namn na pinasara sila.. ang laki ng gastos ko dian..

    ReplyDelete